News
Zurück zur Übersicht
06.08.2017
Quick Facts: Balikbayan Box
Question: Kailan ba dapat mag-submit ng resibo o invoice kung magpapadala ng balikbayan box?
Answer: Ang mga resibo o invoice ay kailangan lang para sa mga high-valued brand new items na digit sa P10k ang halaga.
Question: Kailangan ba mag-submit ng kopya ng passport sa tuwing magpapadala ng balikbayan box?
Answer: Hindi. Ang photocopy lang ng passport ay required para sa mga gustong mag-avail ng duty and tax exemption privilege. Ito ay magsisilbing proof Filipino citizenship.
Question: Kailangan ba ang resibo kung used items ang laman ng balikbayan box?
Answer: Hindi Kailangan ang resibo para sa mga used o second-hand items, regalo, o mga items na nabili sa garage sale. Kailagan lang ay isulat pa din sa Information Sheet ang approximate value ng mga items.
Question: Kailan ang mandatory submission ng Information Sheet?
Answer: Simula August 1, kailangan siguraduhin ng mga forwarders na may Information Sheet na isa-submit sa kanila and lahat ng magpadala ng balikbayan box.
I download mula sa DOWNLOAD LINK ang Information Sheet o humingi sa inyong mga consolidators o forwarders.

Zurück zur Übersicht